Granular lockdown sa 2 subdivision sa Bacoor pinalawig pa

Mas pinalawig pa ng 14 araw ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang granular lockdown sa dalawang subdivision kung saan mayroong natukoy na kaso ng COVID-19 Delta variant.

Executive Order No 25A calling for granular lockdowns and declaration of BF El Grande Subdivision in Barangay Molino VI…

Posted by City Government of Bacoor on Tuesday, July 27, 2021

Ayon sa Facebook post ng City Government of Bacoor at ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, magsisimula ang pagdagdag ng 14 na araw na total lockdown sa BF El Grande Subdivision ng Hulyo 27 hanggang 11:59 pm ng Agosto 8 at sa Addas 2C naman ay sa Hulyo 27 hanggang 11:59 pm ng Agosto 9.

As of July 26, 2021, may 13 bagong kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Bacoor. 10973 – Female, 29 years old, Molino 3, July…

Posted by City Government of Bacoor on Tuesday, July 27, 2021

“With the detection of the Delta variant in the City of Bacoor, the City Government immediately conducted contact tracing and testing activities… Continuous contact tracing will be enforced with suspects/contacts and confirmed cases will be immediately transferred to community isolation units,” aniya.

Executive Order No 25A calling for granular lockdowns and declaration of BF El Grande Subdivision in Barangay Molino VI…

Posted by Lani M. Revilla on Monday, July 26, 2021

Sa kanyang panayam sa DZMM TeleRadyo, sinabi naman ni Mayor Revilla, “So far, ‘yung pamilya po sa may Addas 2C ‘yun po ang nagregister ng positive na 9..Ang directive po sa amin ng DOH is to consider this as Delta as well kasi magkakasama po sila sa bahay. ‘Yung isa naman po na nagpositive sa El Grande ay nagnegative na sa PCR test, pinauwi na rin po ng DOH. ‘Yung husband lang po niya ang ini-isolate at tinatapos lamang po ang 14-day quarantine.”

Sinabi rin ng alkalde, ang mga kaso umano ng Delta variant ay local transmission matapos na matuklasan na walang travel history ang mga pasyente.

“Nagkaroon po kami agad ng isolation. Inihiwalay po namin kaagad ‘yung pamilya ‘nung index patient sa Addas 2C at sa may El Grande,” aniya.

“Tinitingnan po namin na kung ‘yung ibang na-test namin is connected to the index patient, mayroon pa po dito na iba na natetest namin na hindi konektado ‘dun sa index patient. So ‘yun ang pinag-aaralan ng husto ng DOH kung papaano pa nila malalaman kung Delta variant ito. Basta ang importante po sa ngayon ay kinokontrol po namin ‘yung community na huwag na magkaroon ng spread among the persons living in Addas 2C and El Grande,” dagdag pa niya.

Ani Revilla, nasa 80 pamilya ang apektado ng granular lockdown at nagdadala sila ng relief goods sa mga nasabing lugar.

“We’re providing relief goods for them. We’re trying to workout financial assistance as well through the ayuda yung P1,000 to P4,000 pesos dahil mayroon po kaming funds na hindi natapos, hindi na-distribute. We’re working on it na dito po maibigay sana ‘yung remaining balance po namin and kung anuman ‘yung pangangailangan nila, [like] medicines sasabihin lang po sa HOA President at sa Barangay para po mapabili po namin ito immediately for their needs.”

Total
9
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts