Libreng birth certificate at iba pang job documents para sa PWD at Solo Parents, isinusulong

Niluluto ng ACT-CIS Partylist ang panukalang batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disabilities (PWD) at mga solo parents sa paghahanap ng trabaho
Canva Photo

Isinusulong ng ACT-CIS Partylist ang panukalang batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disabilities (PWD) at mga solo parents sa paghahanap ng trabaho.

Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at solo parent sa nasabing panukalang batas.

“Karamihan kasi sa PWDs may mga maintenance o therapy na binabayaran habang ang mga solo parents, mag-isa nilang pinapalaki ang anak nila. Any savings para sa kanila ay malaking tulong habang naghahanap sila ng employment,” saad ni Tulfo.

Matatandaang nauna ng naging batas na libre ang pagkuha ng mga requirements ng mga first time jobseeker.

Dagdag pa ni Rep. Tulfo, malaking tulong ang batas na ito sa pag-aaply ng trabaho ng mga PWD at Solo Parent na libre ang pagkuha nila ng mga requirements.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek

Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.