Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang nagmamaneho

Sinuspinde ng LTO ang lisensya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport dahil sa paglalaro ng online gambling habang nagmamaneho, na ikinapahamak ng mga pasahero. Pinatawan siya ng 90-araw na suspensiyon at nahaharap sa kasong reckless at distracted driving. Inatasan din ang bus company na magpaliwanag, habang isinusulong ang mga panukalang batas laban sa online gambling.

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport matapos makuhanan ng video na nagsusugal online habang nagmamaneho sa rutang Silang-Dasmarinas City, Cavite.

Pinatawan ang driver ng 90-araw na suspensiyon at pinagpapaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanyang lisensya. Nahaharap din siya sa kasong reckless at distracted driving.

Ayon kay LTO acting chief Greg Pua, Jr., hindi palalampasin ang insidente dahil inilagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Inatasan din ang bus company na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan.

“This driver’s addiction to online gambling may have become so severe that he has put the safety of passengers at risk, we cannot let this go unnoticed,” dagdag pa ni Pua.

“Failure to appear and submit written comment/explanation as required shall be construed by this office as a waiver of your right to be heard, and the case shall be decided based on the evidence at hand,” saad sa show cause order.

Samantala, may mga panukalang batas na humihiling ng pagbabawal o paghihigpit sa online gambling.

Total
0
Shares
Related Posts