LRT-1 Cavite Extension nasa 55.6 porsyento nang tapos

Nasa 55.6 porsyento nang tapos ang isinasagawang LRT-1 Cavite East Extension, ayon sa Department of Transportation (DOTr) noong Mayo 21.

Nasa 55.6 porsyento nang tapos ang isinasagawang LRT-1 Cavite East Extension, ayon sa Department of Transportation (DOTr) noong Mayo 21. 

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang naturang proyekto ay inaprubahan ng National Economic Development Authority noong Agosto 2000 ngunit isa ito sa mga nabinbing railway project ng bansa.

“One example of a project that was left hanging is the LRT-1 Cavite Extension, which was delayed for 19 years with no progress ever seen until June 2016,” ani Tugade sa isang Facebook post. 

“From being one of the pioneers in establishing railroad networks in Asia, ironically, we are [now] trailing behind. From more than a thousand-kilometer railroad network in the 1970’s, our country’s operational railway length drastically shrunk to only 77 kilometers in 2016,” aniya.

Dagdag pa sa kalihim, kapag nakumpleto ang naturang proyekto, mapapaikli na lamang umano sa 25 minuto ang mahigit isang oras na biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor City, Cavite.

Photo Courtesy by Art Tugade Facebook Page

“The LRT-1 Cavite Extension can accommodate 500,000 to 800,000 passengers per day.” paliwanag ni Tugade.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

P136-M halaga ng shabu nasabat sa Cavite

Tiklo ang tatlo sa limang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City Lunes ng gabi, Abril 25, matapos itong mahulihan ng halos P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Read More

Lapu-Lapu Festival ng mga Pinoy sa Canada nauwi sa aksidente

Isang trahedya ang naganap sa Vancouver, Canada kung saan inararo ng sasakyan ang mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival, na ikinasawi at ikinasugat ng ilan. Nagpahayag ng kalungkutan si Mayor Ken Sim at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad. Nagpaabot din ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.