Mga lumang laptop na nakatambak sa warehouse ng DEPED, sinimulan nang ilabas at ipamahagi

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng mga lumang laptop mula sa mga bodega nito patungo sa iba’t ibang tanggapan.

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng mga lumang laptop mula sa mga bodega nito patungo sa iba’t ibang tanggapan. 

Ayon kay DepEd Secretary Juan Edgardo Angara, mahigit 50% ng mga nakatambak na laptop ang naipamahagi na, habang ang natitira ay isinasailalim pa sa inspeksyon at inaayos para sa distribusyon.

Dagdag pa ni Angara, humingi na sila ng tulong mula sa Philippine Air Force at ilang lokal na pamahalaan (LGU) upang maihatid ang mga laptop sa mga malalayong lugar. Bagama’t inamin ng kalihim na ‘outdated’ na ang ilan sa mga laptop, ipinaliwanag niya na nagsagawa ng mga kinakailangang hakbang ang IT team ng DepEd upang magamit pa ang mga ito ng mga guro at mag-aaral.

Kaugnay nito, sa nagdaang pagdinig ng budget, tinanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang tungkol sa kalagayan ng mga laptop na binili ng DepEd noong mga nakaraang taon. 

Ayon rin kay DepEd Undersecretary for Legal Affairs Omar Romero, karamihan sa mga laptop na nakaimbak sa mga bodega ng Transpac Logistics ay naipamahagi na sa mga regional offices at school division offices (SDOs) ng DepEd.

“We are happy to update Madam Chair, that earlier this year the Department of Education, as directed by our operations strand, instructed our regional offices and school district offices to pull out all the goods procured and which remained in the warehouses of the third-party logistic supplier, yung Transpac po,” pahayag ni Romero sa pagdinig.

Ang mga nasabing laptop ay mula pa sa mga binili noong panahon ni dating DepEd Secretary Leonor Briones noong 2020 hanggang 2021.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

One month income tax holiday isinusulong ni Sen. Tulfo sa gitna ng isyu sa flood control projects

Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1446 o ang “One-Month Tax Holiday of 2025,” na magbibigay ng isang buwang income tax exemption sa mga manggagawa, bilang tugon sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Layunin nitong maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno. Hindi kasama sa exemption ang mandatoryong kontribusyon, at ipinatupad ang non-diminution clause para matiyak na hindi mababawasan ang sahod ng mga empleyado.