P100,000 iginawad sa isang centenarian sa Dasmarinas City

Binigyan ng pamahalaang lungsod ng Dasmariñas ng P100,000 ang isang centenarian ng kanilang komunidad.

Binigyan ng pamahalaang lungsod ng Dasmariñas ng P100,000 ang isang centenarian ng kanilang komunidad. 

Dahil sa community quarantine protocols, ang anak na babae ni Basilia M. Morales-Felix ang tumanggap ng cash gift na P100,000. 

Ang nasabing cash gift ay iginawad ni Mayor Jenny Barzaga sa kaniyang opisina kasama ang City Administrator na si Ariel San Gabriel maging ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) na si Jorge Magno. 

Matatandaang noong Disyembre, isang centenarian rin mula sa Dasmariñas ang nakatanggap ng kaparehang cash gift sa tanggapan ng alkalde. 

ANOTHER DASMARINEÑO CENTENARIAN, JOSE DE CASTRO SAQUETON RECEIVES Php 100,000.00 Cash Gift as he celebrates his 100th…

Posted by Mayor Jenny Austria-Barzaga on Wednesday, December 2, 2020

Ang pamimigay ng P100,00 cash incentive sa mga centenarian ay alinsunod sa Republic Act 10868 at makukuha ito sa pamamagitan ng social welfare office ng lokal na pamahalaan. 

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Ex-mayor sa Silang muling pinatawan ng parusa ng Ombudsman

Hinawakan ng Ombudsman na guilty sina dating Silang Mayor Kevin Anarna at ang kapatid niyang si Nathaniel Anarna Jr. sa kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Ito ay dahil hinirang ni Anarna ang kanyang kapatid bilang BAC chairman kahit kulang ito sa kwalipikasyon. Dahil diskuwalipikado na ang magkapatid, ang parusa ay gagawing multa na katumbas ng isang taong sahod.