Mga opsisyal ng barangay sa Gen. Trias sa nag-viral na ‘karakol’ suspendido

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kawani ng barangay na hindi umano kukunsintihin ng ahensya ang mga paglabag nito sa minimum public health standards (MPS) matapos ang nag-viral na pagtitipon sa isang bayan sa Cavite.

Pinatawan ng 30 araw na suspensyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay sa isang bayan sa Cavite na nakilahok sa “karakol” procession na maituturing na isang pagtitipon o mass gathering na labag sa kautusan ng Inter-agency Task Force (IATF).

PRESS RELEASE • DILG welcomes preventive suspension vs. brgy officials involved in Gen. Trias ‘karakol’ violation The…

Posted by DILG IV-A on Tuesday, August 31, 2021

Naging viral ito online at nangyari ang naturang pagtitipon sa Barangay Santiago, Gen. Trias City, Cavite noong nakaraang buwan habang nakasailalim ang lalawigan sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions. 

“Kudos to the city mayor and the Sangguniang Panlungsod (SP) of Gen. Trias, Cavite for acting quickly on the ‘karakol’ incident (Congratulations to the (Gen. Trias) city mayor and the Sangguniang Panlungsod of Gen. Trias, Cavite for acting quickly on the ‘karakol’ incident,” ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Alinsunod sa kautusan ni DILG Secretary Eduardo Año na magsagawa ng imbestigasyon ukol dito, sinabi ni Malaya na inaprubahan na ni Gen. Trias Mayor Antonio Ferrer ang rekomendasyon ng SP na maghain ng 30 araw na suspensyon sa Punong Barangay ng Barangay Santiago na si Rolando Pagkaliwangan at mga barangay kagawad na sina Joey Loyola, Francisco Solis, at Ferdinand Perdito.

Nakatala ang naturang rekomendasyon ng suspensyon sa Sangguniang Panlungsod Resolution No. 03-2021-176.

“Pinakamahalaga pa rin na ang mga LGU hanggang sa mga barangay ay matuto at mas maging mahigpit para hindi na maulit ang ganitong insidente lalo na ngayon na may community transmission na ang Delta variant,” ani Malaya.

Sinabi rin ng kalihim na magsilbi dapat itong babala sa mga opisyal ng barangay na hindi umano kukunsintihin ng DILG ang anumang paglabag sa minimum public health standards (MPHS) sa panahon ng pandemya.

Matatandaang sa isang viral video nito sa social media, daan-daan ang nakilahok sa pagtitipon ng “karakol” sa kahabaan ng Arnaldo Highway kung saan ay makikitang hindi na nasusunod ang MPHS gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing.

Kaugnay nito, naghain din ng show cause order ang alkalde ng lungsod laban sa mga opisyal ng barangay kung saan ay maituturing ito na paglabag sa mga alituntunin o ordinansa ng lungsod at ng Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 2021-50.

Ayon pa sa pahayag ng DILG, humingi ng paumanhin si Pagkaliwangan sa pamamagitan ng pagpapaabot ng sulat sa alkalde ng lungsod at sinabing pinayagan lamang niya ang 30 porsyento ng mga kawani ng barangay na makilahok sa ‘karakol’ at tumulong habang sumusunod sa ligtas na mga alituntuning pangkaligtasan.

Ngunit matatandaan din na sinabi ng DILG na hindi sapat ang paghingi nito ng tawad dahil nalagay sa peligro ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, pinayuhan naman ni Malaya ang publiko na bakunado man o hindi ay kailangang pigilan na lumahok sa mga pagtitipon lalo na ang bansa ay kasalukuyang nilalabanan ang mas nakahahawang variant ng Covid-19.

Total
5
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

Senate OKs Carmona cityhood bill

The municipality of Carmona, the richest town in the Philippines, is now a step closer to attaining its state of becoming the eighth city in the province of Cavite after the Senate approved its cityhood measure on its third and final reading.