Millenials at Gen Z bumubuo ng 63% ng botante sa eleksyon 2025

Aabot sa 63% ng mga botante sa darating na Eleksyon 2025 ay mula sa Millennials at Gen Z, ayon sa datos ng GMA Integrated News Research. Sa kabuuang 75.94 milyong voting-age population, 25.94 milyon ay Millennials (34.15%) at 21.87 milyon naman ay Gen Z (28.79%).

Ayon sa Comelec noong Enero 23, 2025, nasa 69.67 milyon ang rehistradong botante. Sa kabila nito, bumubuo pa rin ng malaking bahagi ang Gen X na may 17.64 milyon (23.22%) at mga Baby Boomers at Silent Generation na may 10.50 milyon (13.83%).

“Kung ang pagbabasehan natin yung Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sabihin na natin isama nating yung 15 to 17 years old, ang botante ay almost 24 million. More or less, nag eexpect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan,” ayon kay Comelec Chairperson George Garcia. 

Matatandaang noong 2022 ay mga millennial din ang pinakamalaking grupo ng bontante sa bansa, na sinundan ng mga Gen X. Ang mga Gen Z ang nakapagtala ng pinakamalaking pagtaas ng bilang ng mga bontatne na ngayon ay 21.87 milyon na.

Magaganap ang national at local election sa darating na May 12, 2025. 

Total
0
Shares
Related Posts