Minimum fare sa mga tradisyunal na jeep balak ibalik sa P9 ng LTFRB

Balak ibalik ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa dating P9 ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep mula sa dating P12.

Target ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik sa dating P9 ang minimum na sa pasahe sa mga tradisyunal na jeep mula sa P12.

Photo via Canva

Pinaghahandaan na anila ang pagpapatupad ng diskwento sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon naman sa isang panayam ng ahensya kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ipatutupad ng ahensya ang nasabing diskwento sa tulong ng Department of Transportation (DOTr) kung saan ay mayroon ng inilaang pondo para sa Service Contracting Program.

“We also have to take the cue from the Office of the Secretary, how they intend to do it. I think ang gagawin lang nila is discount lang ang ibibigay sa mga tao para ‘yung pera na P1.2 billion mapagkasya sa maraming mga transport services on a nationwide scale,” pahayag ni Guadiz sa LTFRB.

“I believe the budget may last only for about 6 months, half a year. So as early as now, I am requesting the DOTr to come up with additional funding para mapagkasya po namin hanggang sa katapusan ng taon ‘yung pera,” wika pa ni Guadiz sa ahensya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.