Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang opisyal na tala ng dalawampung (20) pangunahing paglabag sa trapiko sa Metro Manila mula Enero hanggang Abril 2025. Ang datos ay kinalap sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP), kung saan ginagamit ang mga CCTV camera, digital sensors, at iba pang surveillance technology upang awtomatikong mahuli ang mga lumalabag.

Photo 1- ABS CBN News/Facebook
Nangunguna sa talaan ang mga sumusunod na paglabag: disregarding traffic signs, illegal parking (attended at unattended), paggamit ng EDSA Busway, paglabag sa number coding scheme (Unified Vehicle Volume Reduction Program), at obstruction.


Kabilang din sa listahan ang mga sumusunod:
- Illegal turning
- Failure to use seatbelt
- Failure to give proper signal
- Driving in slippers
- Loading/unloading in prohibited zones
- Reckless driving
- No crash helmet
- Dress code for motorcycle riders
- No driver’s uniform
- Failure to show driver’s license
- Defective motor vehicle accessories
- Stalled vehicle
- Tricycle ban
- Truck lane violation
Ayon sa MMDA, may kaakibat na multa ang bawat paglabag, depende sa kung pang-ilang ulit na ito ng motorista. Halimbawa nito ay ang disregarding traffic signs na may multang ₱1,000 sa bawat offense, habang ang illegal parking (unattended) ay may multang ₱2,000 at kaakibat na impoundment. Ang no crash helmet ay may multang ₱1,500 sa unang offense, ₱3,000 sa ikalawa, at ₱5,000 sa ikatlong offense, at ₱10,000 na may kasamang kumpiskasyon sa ikaapat na offense.
Narito ang ilan pang halimbawa ng mga multa ayon sa ulat:
- Reckless driving – ₱1,000 (1st offense), ₱1,000 + seminar (2nd offense), ₱2,000 + seminar (3rd offense)
- Failure to use seatbelt – ₱1,000 (1st offense), ₱2,000 (2nd offense), ₱5,000 + one-week suspension (3rd offense)
- Truck lane violation – ₱2,000 bawat offense
- Storage fee para sa impounded vehicles – ₱80 bawat araw
Layunin ng MMDA na paigtingin ang kampanya sa disiplina sa kalsada upang maiwasan ang aksidente at mapaluwag ang trapiko, lalo na sa mga pangunahing lansangan gaya ng EDSA. Ayon sa pamunuan ng ahensiya, malaking tulong ang NCAP sa pagpapatupad ng mga batas trapiko at sa pagpapaigting ng proyektong “EDSA Rebuild.”
Ang buong listahan ng 20 paglabag at kaukulang multa ay ibinahagi ng MMDA Traffic Ticket Management Division para sa publiko.