One Hospital Command Center inilunsad para sa pagpapaigting Covid-19 response sa Calabarzon

Bumuo ang Department of Health (DOH) ng “One Hospital Command Center” (OHCC) sa rehiyon ng Calabarzon upang paigtingin ang health care system nito sa kabila ng kasalukuyang banta ng Covid-19 Delta variant.

Bumuo ang Department of Health (DOH) ng “One Hospital Command Center” (OHCC) sa rehiyon ng Calabarzon upang paigtingin ang health care system nito sa kabila ng kasalukuyang banta ng Covid-19 Delta variant.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Dr. Eduardo Janairo, sa pamamagitan ng OHCC ay mapapangasiwaan nito ang lahat ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Matatandaang, nilikha ang OHCC sa pamamagitan ng Section 7 ng Bayanihan to Recover as One Act kung saan batay dito ay nararapat umanong magkaroon ng Covid-19 national referral system upang makapagbigay sa mga pasyente ng mabilis at mabisang paraan na makahanap at makakuha ng mga serbisyo mula sa mga pangkalusugan na pasilidad.

“We have already established the OHCC in which we have link the health and medical services of our regional hospitals, particularly the Southern Tagalog Regional Hospital in Cavite and the Batangas Medical Center in Batangas,” ani Janairo sa inilabas na statement ng DOH-Calabarzon noong Linggo.

“Kabilang rin sa network na ito ang ibang malalaking public hospitals sa probinsya ng Laguna, Quezon at Rizal upang magbigay ng kinakailangang health services sa ating kababayan lalo na sa mga positibo ng Covid virus. Kaya mayroon tayong well-coordinated response at referral system na syang namamahala sa ating mga Covid cases,” dagdag niya.

Dagdag pa rito, hindi na umano kailangan pang mag-alala ng mga pasyenteng nasa liblib na lugar dahil isinasagawa na ng DOH ang telemedicine consultations simula pa noong taong 2018.

“Marami ng health facilities na nalagyan ng telemedicine services sa iba’t-ibang malalayong probinsya and the most recent is the tele-icu system placed at Quezon Medical Center in Lucena City, to monitor critical Covid patient in intensive care units (ICU) which is also designed to protect health-care workers from possible infection due to less exposure,” aniya.

Batay sa datos ng DOH-Calabarzon noong Setyembre 16, nakapagtala ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng 406 Delta variant kung saan ang lalawigan ng Laguna ang nanguna sa pinakamaraming kaso nito na may 112 habang sinundan naman ng Cavite na may 99 na kaso, Rizal-83, Batangas-52, Quezon – 33 at Lucena City na may 14 na kaso.

Ayon pa sa DOH, “Most source of Delta infection comes from local transmission with 355 cases with the largest number also from Laguna with 102 cases followed by Cavite with 82 cases, Rizal – 78, Batangas – 52, Quezon – 28 and Lucena City with 13 cases.”

“A total of 51 Delta cases came from Returning Overseas Workers (ROF) with Cavite topping the list with 17 cases followed by Batangas with 13, Rizal and Quezon with 5 cases each and Lucena City has one case,” anila.

Bukod pa rito, noong nakaraang buwan lamang ay sinimulan ng ahensya ang Detect Early Local Transmission through Antigen Testing Project (DELTA) kung saan nagsasagawa ng mass antigen testing sa lahat ng natukoy na close contact ng mga tinamaan ng Covid-19 Delta variant sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat nito.

Thumbnail photo by Quinten Braem on Unsplash

Total
2
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts