Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Nobyembre 4 bilang pambansang araw ng pagluluksa bilang pag-alala sa mga biktima ng Bagyong Kristine.
Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 728 na nilagdaan noong Oktubre 30, ipinag-utos ang pagbaba ng bandila ng Pilipinas sa half mast sa buong bansa at sa mga embahada nito sa ibang bansa bilang pakikiisa sa mga naulila at naapektuhan ng bagyo.
“The nation deeply mourns this tragic loss, and joins the families and loved ones of our departed brothers and sisters in this moment of immense sorrow,” ani Marcos Jr.
“The entire nation is requested to offer prayers for the eternal repose of the souls of the victims,” dagdag pa niya.
Si Bagyong Kristine, na nagdulot ng halos 150 na nasawi, ay tumama sa Pilipinas noong Oktubre, dala ang malalakas na ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa na nagresulta sa matinding pinsala sa buong bansa.
Dahil dito, idineklara rin ang State of Calamity sa maraming lugar sa bansa, kabilang ang probinsya ng Cavite.
Cover Photo Credit: Presidential Communications Office