Obiena wagi sa 2023 Asian Athletics Championship

Sinungkit ni 27-years-old EJ Obiena ang ginto sa kanyang 5.91 m. talon at bagong rekord sa 2023 Asian Athletics Championship kahapon sa Bangkok, Thailand.

Matagumpay na dinepensahan ni Filipino pride EJ Obiena ang kanyang korona matapos ang makapigil hiningang 5.91 metrong talon sa 2023 Asian Athletics Championship kahapon sa Bangkok, Thailand. 

Dyan Castillejo/Twitter

Sa kanyang championship run sa torneyo ay nagawa niyang burahin ang kanyang dating record na 5.71 metro na kanyang ipinamalas sa Doha Qatar noong 2019 at itala ang bago niyang rekord sa kompetisyon. 

Pilit na sinubok ni Obiena na gawin ang kanyang personal at Asian record na 6.02 metro ngunit bigo siyang maipakita ito sa harap ng mga manunuod matapos ang three attempts. 

Sa kabilang banda naman ay hinugot ni Hussain Asim Alhizam ng Saudi Arabia ang silver sa kanyang 5.56 metrong output, at bumira rin si Huang Bokai ng China sa kanyang 5.51 metrong performance para makuha ang bronze medal. 

Determinado ang World No. 3 Pole vaulter sa kanyang pamamayani sa kompetisyon sa kanyang paghahanda patungo sa Paris Olympic Games na gaganapin sa susunod na taon. 

Hindi rin nagpaawat si Filipino-American, Robyn Brown sa kanyang gold medal finish sa 400-meter hurdles.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MPOX Cases sa Davao City, lumilitaw na konektado sa HIV

Inihayag ng SPMC sa Davao City na 11 sa 14 na kaso ng Mpox sa kanilang ospital ay positibo rin sa HIV, posibleng dahil sa high-risk sexual behavior. Ipinaliwanag na ang Mpox ay naihahawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at intimate contact. Hinihikayat ng SPMC ang agarang pagkonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Samantala, tumaas ng 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas, na may 57 bagong kaso kada araw.