Oplan Katok tinutulan ng COMELEC ngayong Halalan

Hindi pabor ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng Oplan Katok ng PNP sa panahon ng halalan. Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, maaaring magdulot ito ng paglabag sa karapatang pantao at mga posibleng abuso.

Hindi pabor ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng Oplan Katok ng PNP sa panahon ng halalan. Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, maaaring magdulot ito ng paglabag sa karapatang pantao at mga posibleng abuso.

“Kapag ikaw ay binangga ng ganitong operasyon, at may bantang mase-search ka nang walang search warrant o ikaw ay maaresto nang walang warrant of arrest, hindi ba’t ito ay isang paglabag sa ating Saligang Batas? Hindi po dapat gawing dahilan ang halalan o paghahanda sa halalan upang ma-violate ang mga karapatan ng ating mga mamamayan,” ani Garcia sa isang panayam.

Nilinaw ng Chairman na hindi aprubado ng COMELEC ang operasyon, lalo na at umiiral ang election gun ban. Pinalakas niya ang kanyang paninindigan na mahalaga ang patas na oportunidad at kaayusan tuwing panahon ng halalan, kaya’t walang dahilan upang ituloy ang Oplan Katok sa kabila ng mga regulasyong umiiral.

Samantala, ipinaliwanag ni Brigadier General Jean Fajardo ng PNP na ang Oplan Katok ay nakatutok lamang sa mga may-ari ng baril na may expired ng lisensiya. 

Sa ilalim ng programang ito, nagsasagawa ang mga pulis ng mga pagbisita sa mga tahanan upang ipaalam sa mga may-ari ng baril na expired na ang kanilang mga lisensya, at hikayatin silang mag-renew. Kasabay nito, inaanyayahan silang isumite ang kanilang mga hindi rehistradong baril para sa pansamantalang pangangalaga.

Ayon sa datos ng PNP, mahigit 621,000 licensed gun holders na ang nakatanggap ng notisya mula sa ahensiya, at higit 300,000 mga baril na hindi na-irehistro o hindi na-ayon sa mga regulasyon ang na-revoke na.

Photo 1- Philippine News Agency

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaking may multiple cases ng kahalayan na wanted sa Cavite, arestado sa Pasay

Inaresto ng Pasay City Police ang isang lalaking wanted sa Cavite dahil sa 14 na kaso ng acts of lasciviousness at paglabag sa Child Abuse Act na kinasasangkutan ng mga menor de edad. Nahuli ang suspek sa Pasay City sa bisa ng warrant of arrest mula sa Trece Martires City, Cavite, at dinala na sa Trece Martires City Police Station.
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.