P55M halaga ng ayuda ipapamahagi sa Unang Dsitrito ng Cavite dahil sa oil spill

Mamamahagi ng P55 milyong tulong pinansyal at food packs si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, Sen. Ramon Bong Revilla, at ang Agimat Partylist sa halos 15,000 mangingisda.

Mamamahagi ng P55 milyong tulong pinansyal at food packs si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, Sen. Ramon Bong Revilla, at ang Agimat Partylist sa halos 15,000 mga mangingisda.

Photo via 1st District Rep Jolo Revill/Facebook post

Ito’y matapos na magpatawag ng emergency response meeting si Rep. Revilla kasama sina Kawit Mayor Angelo G. Aguinaldo, Noveleta Mayor Dino Chua, Rosario Vice Mayor Bamm Gonzales, mga municipal agriculturist, at mga kawani ng MENRO dahil sa pagsasailalim ng State of Calamity at No-fishing Zone sa mga magkakalapit na lugar.

“Ang inyo pong lingkod, katuwang si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. at ang Agimat Partylist, ay maghahatid ng 55 milyong halaga ng cash assistance at family food packs para sa halos 15,000 na mga rehistradong mangingisda sa ating distrito sa mga susunod na araw bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na ngayong idineklara na rin na ‘NO-CATCH ZONE’ ang mga nasabing bayan,” pahayag ni Rep. Revilla.

Dagdag pa ni Rep. Revilla, batid nila ang magiging epekto ng oil spill sa pamumuhay ng kanilang mga kadistrito.

“Asahan ninyo po na kasama niyo [ako] at ang lokal na pamahalaan sa pagsubok na ito at magtutulungan po tayo hanggang sa muling maging ligtas ang ating karagatan upang pangisdaan,” aniya.

Total
0
Shares
Related Posts