Paano ipinagdiwang ang Pista ni San Jose sa Noveleta

Namigay ng libreng lechon manok si Mayor Dino Chua sa bawat kabahayan ng Noveleta bilang pagdiriwang sa kapistahan ni San Jose sa gitna ng pandemya.

Namigay ng libreng lechon manok si Mayor Dino Chua sa bawat kabahayan ng Noveleta bilang pagdiriwang sa kapistahan ni San Jose sa gitna ng pandemya. 

Ang inisyatibong ito ay handog ng lokal na pamahalaan ng Noveleta upang maisagawa ng ligtas ang fiesta ngayong 2021.

Ipinamigay ito ng naturang alkalde at kanyang mga kasamahan sa bawat tahanan upang mapanatili ang health protocols habang umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar. 

“Ang tunay na diwa ng kapistahan ay ang salo-salo ng buong pamilyang nagkakaisa. Walang magugutom sa Noveleta,” pahayag ni Chua sa kaniyang Facebook post.

Bukod pa rito, matatandaang namigay din ng libreng milk tea ang alkalde sa mga taga-San Jose sa Noveleta matapos ang misa.

“Happy Fiesta po sa ating lahat.” pagbati ni Chua.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Ex-mayor sa Silang muling pinatawan ng parusa ng Ombudsman

Hinawakan ng Ombudsman na guilty sina dating Silang Mayor Kevin Anarna at ang kapatid niyang si Nathaniel Anarna Jr. sa kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Ito ay dahil hinirang ni Anarna ang kanyang kapatid bilang BAC chairman kahit kulang ito sa kwalipikasyon. Dahil diskuwalipikado na ang magkapatid, ang parusa ay gagawing multa na katumbas ng isang taong sahod.