Patung-patong na kaso, inihain laban kay suspended Silang Mayor Anarna

Nahaharap sa 65 bagong reklamo ng graft ang suspendidong Silang, Cavite Mayor na si Atty. Kevin Anarna dahil sa umanong paggastos nito ng P11 milyon para sa “fake occasions” noong nakaraang taon.

Nahaharap sa 65 bagong reklamo ng graft ang suspendidong Silang, Cavite Mayor na si Atty. Kevin Anarna dahil sa umanong paggastos nito ng P11 milyon para sa “fake occasions” noong nakaraang taon.

PDEA CALABARZON/Facebook

Inihain ang kaso sa Office of the Ombudsman nitong Huwebes, Mayo 16.

Inakusahan ang suspendidong Mayor at mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, conduct preducial to the best interest of the service.

Ayon sa mga nagrereklamo, lumabas sa mga nakalap na records na ang bidding ay nangyari pagkatapos ng mga petsa ng mga pekeng okasyon.

Bukod dito, isiniwalat ng mga naghain ng reklamo na nagsisimula pa lamang sila ng kanilang imbestigasyon kaugnay rito ang 5,725 transaksyon na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon, ayon sa pagsusuri ng Commission of Audit.

Total
0
Shares
Related Posts