Pilipinas nangunguna sa mundo sa mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV ayon sa DOH

Kinumpirma ng DOH na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa mundo, na may 57 bagong kaso araw-araw, karamihan ay mga kabataan. Dahil dito, inirekomenda ng DOH na ideklara ang HIV bilang national public health emergency. Gayunpaman, nilinaw ng ahensiya na may available na lunas sa pamamagitan ng ART kung maaagapan, at hinihikayat ang publiko na magpasuri at magkaroon ng tamang kaalaman.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa buong mundo, ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa.

Ayon sa kalihim, araw-araw ay may 57 bagong kaso ng HIV na naitatala sa bansa, at karamihan dito ay mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 25. Sa ulat ng DOH, ang pinakabatang naitalang kaso kamakailan ay isang 12-anyos na bata mula sa Palawan.

“Our biggest problem isn’t monkeypox but the spread of HIV. We’ve seen a 500% increase in HIV cases. In fact, the youngest person we’ve diagnosed is a 12-year-old from the province of Palawan,” pahayag ni Herbosa sa isang panayam.

Sa gitna ng mabilis na paglobo ng kaso, inirekomenda ng DOH na ideklara ang HIV bilang isang national public health emergency. Nagsumite na si Secretary Herbosa ng pormal na kahilingan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang agad na matugunan ang sitwasyon.

Batay sa pinakabagong datos, nasa 148,831 ang kabuuang bilang ng HIV cases sa bansa. Pinangangambahan ng DOH na maaaring umabot sa 400,000 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong posibleng mahawa kung hindi agad makakilos ang pamahalaan at publiko.

Bagama’t seryoso ang banta, nilinaw ng DOH na may lunas na para sa HIV kung maaagapan. Sa pamamagitan ng anti-retroviral therapy (ART), maaaring mamuhay nang normal ang mga pasyenteng positibo sa virus.

Hinikayat ng DOH ang publiko, lalo na ang kabataan, na maging bukas sa tamang kaalaman tungkol sa HIV at magpasuri kung kinakailangan. Libre ang HIV testing sa ilang pampublikong ospital at walk-in clinics.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CvSU-Kawit Itatayo na: Mayor Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinangunahan ang pagpaplano

Inanunsyo ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite ang pagtatayo ng bagong kampus ng Cavite State University (CvSU) sa kanilang bayan, sa pakikipagtulungan kay Congressman Jolo Revilla. Layunin nitong magbigay ng mas abot-kayang edukasyon sa mga kabataan ng Kawit at karatig-lugar, kasabay ng planong pagtatayo ng bagong munisipyo at Tangulan Arena para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.