Patay ang isang pulis mula Muntinlupa City matapos nitong mag-duty matapos nitong mag-duty ng tatlong araw na dire-diretso noong eleksyon.
Kinilala ang namayapang pulis na si SPO3 Manuel Escalona, 42, na miyembro umano ng Special Weapon and Tactics Team (SWAT) ng Muntinlupa City Police Station.
Ayon sa ulat, nagmamaneho umano papasok para mag-duty si Escalona noong Mayo 10 ng gabi sa kahabaan ng Daanghari Road sa Imus City, Cavite nang bigla itong atakihin sa puso.
Tinakbo pa si Escalona sa South Imus Specialist Hospital ngunit idineklara na ring dead on arrival.
Napag-alamang pumutok ang ugat sa puso ni Escalona na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Samantala, nagpaabot ng tulong pinansyal ang Muntinlupa Police Station sa pamilyang naulila ni Escalona.
LOOK | The Muntinlupa City Police Station together with Southern Police District granted financial assistance to the…
Posted by Pulis Ng Muntinlupa on Wednesday, May 11, 2022
Nagpahayag rin ng pakikiramay si NCRPO Police Major Gen. Felipe Natividad at nilinaw na ang pagtatrabaho ng lampas sa oras ay hindi niya pinapayagan sa ilalim ng kanyang hanay.
“Sa kabila ng pagdeklara ng “Full Alert” status ng nakaraang eleksyon, ang NCRPO ay hindi pinapayagan na magtrabaho ang sinuman sa kanyang tauhan na magtrabaho ng lampas sa oras o magtrabaho ng walang sapat na pahinga kaya nga meron tayong mga reserve forces. Sinusiguro natin na ang kapakanan ng ating mga tauhan ang una sa lahat,” ani Natividad.