Kinatuwaan ng mga netizens online ang isang samahan ng mga riders sa lungsod ng Imus dahil sa pagtulong nila na maihatid ang mga modules sa mga kabataang Imuseno.
Umarangkada ang DepEd Imus City Eagle Riders (DICERs) nitong nakaraang Lunes, Setyembre 20, sa paghahatid ng mga printed self-learning modules, learning activity sheets at iba pang educational materials sa bayan.
Para sa kanilang grupo, isang malaking hamon pa rin umano para sa mga guro at mag-aaral ang pagbubukas ng klase ngayong taon. Kaya naman ito ang naisip nilang paraan upang maihatid pa rin ang dekalidad na edukasyon kahit pa sa banta ng COVID-19.
Binubuo ang DICERs club ng mga teaching at non-teaching personnel, program education supervisors, principals, security, maintenance, mga magulang, homeowners, at maging ng iba pang pribadong samahan ng mga motorcycle volunteers sa lungsod ng Imus.
Bakunado na rin ang mga riders para sa kaligtasan ng lahat.
Maraming salamat po Mayor Emmanuel Maliksi sa muling pagseseguro sa kaligtasan ng bawat Imus Eagle Riders, Grab, Food…
Posted by Imus Eagle Riders on Sunday, August 15, 2021
Samantala, nagpasalamat naman sa kanila si Imus Mayor Emmanuel Maliksi para sa kanilang serbisyo bilang frontliners ng edukasyon sa gitna ng pandemya.
Isang pagpupugay sa lahat ng bumubuo sa DepEd Imus City Eagle Riders (DICERs) na bumabyahe para maihatid ang mga…
Posted by Emmanuel Maliksi on Monday, September 20, 2021