Senior citizens ng Kawit binigyan ng espesyal na Valentine’s Day date night

Ipinagdiwang ng pamahalaang bayan ng Kawit ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng isang espesyal na pagtitipon para sa mga senior citizen couples sa Kasama Kang Tumanda: Date Night na ginanap sa Liwasang Aguinaldo.

Ipinagdiwang ng pamahalaang bayan ng Kawit ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng isang espesyal na pagtitipon para sa mga senior citizen couples sa Kasama Kang Tumanda: Date Night na ginanap sa Liwasang Aguinaldo.

Sa pangunguna ni Konsehal Armie Aguinaldo, tampok sa programa ang ‘70s Disco Fever theme, social night dance, at iba’t ibang aktibidad tulad ng raffle, souvenir giveaways, at masaganang hapunan upang iparamdam ang Aliw, Alaga, at Alaala sa mga nakatatanda.

“Happy Valentine’s Day, Kawit, lalo na sa ating mga senior citizen couples na ating nakasama sa Kasama Kang Tumanda: Date Night sa liwasan kagabi. Naging espesyal po ang ating Pebrero 14 dahil mas pinadama natin sa ating mga senior citizens ang #RatedTripleA nating selebrasyon na may Aliw, Alaga, at Alaala,” saad ng konsehala.

“Nawa ay nag-enjoy po ang ating mga senior couples at asahan niyo po na kasama niyo kami hindi lang sa inyong pagtanda kundi sa bawat pangarap ninyo,” dagdag pa nito.

Photo 1-6 – Councilor Armie Aguinaldo/Facebook

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MMDA inilabas ang Top 20 traffic violations sa Metro Manila

Inilabas ng MMDA ang top 20 paglabag sa trapiko sa Metro Manila mula Enero hanggang Abril 2025, na naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Nanguna ang disregarding traffic signs at illegal parking. May kaukulang multa at parusa ang bawat paglabag, na naglalayong paigtingin ang disiplina sa kalsada at mapaluwag ang trapiko.