Suspek sa pagpaslang kay dating Trece Vice Mayor Lubigan arestado

Matapos ang halos limang taon, nahuli na ng pulisya ang hinihinalang suspek sa pagpatay kay dating Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan.

KAWIT, Cavite — Matapos ang halos limang taon, nahuli na ng pulisya ang hinihinalang suspek sa pagpatay kay dating Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan.

Sa pagtutulungan ng Cavite at Rizal Provincial Police Offices, nadakip ang kinilalang gunman na si Ariel Paiton sa Brgy. San Jose sa Antipolo City nitong Biyernes.

Kakaharapin ni Paiton ang two counts of murder and frustrated murder na ikinaso sa kanya kaugnay sa naganap na barilan noong 2018.

Nasamsam din kay Paiton ang isang kalibre 45 na baril, magazine at 16 ammunition na dahilan upang patungan din ang suspek ng kasong illegal possession of firearms.

Samantala, sa isang Facebook post, nagpahayag naman ng saloobin si Trece Mayor City Mayor Gemma Lubigan, asawa ng pinaslang na bise alkalde, ukol sa pagkakadakip sa suspek.

I’l never lose my faith in You Oh Lord! 🙏 Salamat po sa lahat ng mga taong naging instrumento.

Posted by Mayor Gemma Buendia Lubigan on Sunday, March 12, 2023

Noong Hulyo 7, 2018, pinagbabaril ang sinasakyan ng bise alkalde na nauwi sa pagkamatay nito at ng kanyang driver na si Romulo Guillemer. Sugatan din ang security aide ni Lubigan na si Romeo Endrinal na maswerte namang nakaligtas.

Nadawit ang pangalan ng dating alkalde na si Melandres de Sagun sa naturang pagpaslang ngunit na-dismiss ang kasong ipinatong sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matugis ang mastermind na itinuturong nag-utos kay Paiton.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cenomar at Cenodeath certificate maari nang iview online

Inilunsad ng PSA ang online viewing service para sa birth, marriage, death, CENOMAR, at CENODEATH certificates. Kailangang mag-apply sa PSA Serbilis at magbayad sa CRS outlet (P130-P185). Viewing copy lang ang makikita online, at ang printed copy ay maaaring ipa-deliver o kunin sa pamamagitan ng DocPrint service. Inaasahang mapapabilis nito ang transaksyon ng publiko, lalo na ng mga estudyante.