DOH namahagi ng 600 COVID-19 homecare kits sa Cavite LGU

Nasa 600 homecare kits ang ipinamahagi ng Department of Health (DOH) sa lokal na pamahalaan ng Cavite noong Enero 21.

Namahagi ng 600 COVID-19 homecare kits o “Kalinga kits” ang Department of Health (DOH) sa Cavite.

Ang kada isang kit ay naglalaman ng mga sumusunod:

  • Paracetamol tablets
  • Vitamin C tablets
  • Hand sanitizers
  • Soap
  • Tissue
  • Face masks
  • Disinfectant spray
  • COVID-19 info sheet

Ipinamahagi ng DOH sa pangunguna ni Health Secretary Francisco Duque ang mga nasabing homecare kits matapos ang pagpapasinaya ng bagong Modular Hospital for Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases ng Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) sa Bacoor City noong Enero 21.

Namahagi ng homecarekits ang DOH sa pangunguna ni Health Secretary Francisco Duque III kasama sina Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, 2nd District Rep. Strike Revilla at iba pang opisyal. Larawan mula sa Health Education Promotion Unit-DOH CHD Calabarzon Facebook post.

Dagdag pa rito, sinabi ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa isang panayam ng ABS-CBN News na ibibigay nila ang mga ito sa STRH para ipamahagi ito sa mga naka-isolate na pasyente at sa mga sumasailalim sa home isolation at quarantine.

Total
19
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

Lolong ninakawan ang sarili, nahuli cam

Kasakote ngayon ang isang 62-anyos na lolo matapos mahuli sa CCTV at napag-alaman sa masusing imbestigasyon na siya mismo ang suspek na nagnakaw sa ini-report niyang pagnanakaw sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite.