Taas pasahe sa jeep, bus at iba pang PUVs, aprubado na ng LTFRB

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong transportasyon, alinsunod na rin sa kaliwa’t-kanang pagkalampag ng iba’t-ibang transport group.

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong transportasyon, alinsunod na rin sa kaliwa’t-kanang pagkalampag ng iba’t-ibang transport group.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, pinayagan na ng LTFRB na magtaas ng presyo ng pamasahe ang mga jeepney, public buses, mga taxi, at ilan pang transport network vehicle service (TVNS) na naaayon sa kanilang inilabas na listahan simula Oktubre 4.

Inaprubahan ng LTFRB ang dagdag P1.00 na umento sa pasahe para sa mga traditional at modern jeepney kaya tataas sa P12.00 ang minimum fare sa mga traditional jeep samantalang P14.00 naman para sa mga modern jeep.

Papatak sa 30 at 40 sentimos ang dagdag sa pamasahe sa bawat susunod na kilometro na tatahikin nito ayon sa pagkakabanggit.

Madadagdagan naman ng P2.00 ang minimum fare sa mga city at provincial bus at tataas din ng 40 hanggang 45 sentimos ang dagdag singil sa bawat susunod na kilometro.

Nasa P5.00 naman ang dagdag-pasahe sa mga taxi at TNVS. Magiging P45.00 na ang flagdown rate sa mga taxi at sedan-type na sasakyan, P55.00 naman sa mga AUV/SUV -type, at P35.00 sa mga hatchback-type TNVS.

Ayon sa ahensya, mananatili pa rin ang 20 percent discount sa mga senior citizen, persons with disability at estudyante.

Thumbnail photo by A R

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.