Taas Singil sa Kuryente ipapatupad ng MERALCO ngayong Mayo

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng Meralco na magkakaroon ng P0.46 kilowatt-hour (kWh) at overall rate nito na ₱11.4139/kWh ngayong Mayo, mula sa dating ₱10.9518/kWh noong Abril.

Bunsod ang taas presyong singil sa paglobo ng generation charge dahilsa mataas na presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Power Supply Agreement (PSAs).

Matatandaang una nang sinabi ng Energy Regulation Comission na asahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan buhat nang nararanasang Red ay Yellow Alerts nitong mga nakalipas na araw dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Total
0
Shares
Related Posts