Tinatayang 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang malawakang sunog sa isang masikip na komunidad sa Barangay Zapote III, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga, Setyembre 10. Walo ang nasugatan at isinugod sa ospital dahil sa mga natamong paso at iba pang pinsala.