1,000 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Cavite

Tinatayang 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang malawakang sunog sa isang masikip na komunidad sa Barangay Zapote III, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga, Setyembre 10. Walo ang nasugatan at isinugod sa ospital dahil sa mga natamong paso at iba pang pinsala.

Ayon kay Barangay Chairman Ernesto de Rosas, nagsimula ang sunog matapos mag-away ang isang magkasintahan. Narinig pa umano ng mga kapitbahay ang isa sa kanila na nagsabing, “Mamatay tayong lahat,” bago sumiklab ang apoy na tumupok sa halos 800 bahay.

Nahihirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa masisikip na daan at mga residenteng nagtatakbuhan dala ang kanilang mga gamit.

Apektado pa rin ang daloy ng trapiko at operasyon ng CAVITEX, partikular ang exit papunta ng Bacoor at Las Piñas. Pansamantalang dadalhin ang mga apektadong residente sa mga evacuation center sa katabing barangay ng Mambog 2 at Molino 3, 4, 5, at 7.

Total
0
Shares
Related Posts