Utang ng Pilipinas lumobo na sa P13.52 trilyon

Umabot na sa P13.52 trilyon ang utang ng Pilipinas, ayon sa Bureau of Treasury.

Photo courtesy of iStock

Lalong lumaki ang utang ng Pilipinas matapos itong maitala sa P13.52 trilyon sa katapusan ng Setyembre 2022, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Ayon pa sa ahensya, tumaas ito ng P495.54 bilyon o 3.8% dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at paglalaan sa government securities para masuportahan ang badyet.

Mas mataas ito kumpara sa utang ng bansa na naitala noong Agosto na sumampa ng P11.64 trilyon.

“Of the total debt stock, 31.2% was sourced externally while 68.8% were domestic borrowings. At the current level, NG debt has increased by P1.79 trillion or 15.2% since end-December 2021,” ayon sa ulat ng BTr.

Nagkakahalaga ng P9.30 trilyon ang domestic debt ng bansa kung saan mas mataas ng P357.27 bilyon o 4% kumpara noong Agosto.

Samantala, nagkakahalaga naman ang external debt ng bansa ng P4.22 trilyon na mas mataas ng P138.27 o 3.4% noong Agosto.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MMDA inilabas ang Top 20 traffic violations sa Metro Manila

Inilabas ng MMDA ang top 20 paglabag sa trapiko sa Metro Manila mula Enero hanggang Abril 2025, na naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Nanguna ang disregarding traffic signs at illegal parking. May kaukulang multa at parusa ang bawat paglabag, na naglalayong paigtingin ang disiplina sa kalsada at mapaluwag ang trapiko.