Vegetable bouquet tampok sa kasalang bayan sa Cavite City

Samu’t saring gulay ang ginamit na bouquet sa isinagawang kasalang bayan noong Araw ng mga Puso sa Cavite City.

Sa halip na mga bulaklak, tampok ang mga gulay na bouquet sa isinagawang libreng kasal sa 32 na magsing-irog sa Cavite City.

Photo via Mayor Denver Chua / FB Page

Bukod sa libreng garden wedding, binigyan rin ng lokal na pamahalaan ang mga bagong kasal ng isang sakong bigas at libre rin ang kanilang reception at souvenir.

Ayon kay Mayor Denver Chua, ito umano ang unang libreng mass garden wedding na inilunsad para sa mga nais magpakasal sa lungsod.

“Kasama sa mga principal sponsor ng bawat kinasal ang mga konsehal ng lungsod, Vice Mayor Benzen Raleigh Rusit, Congressman Jolo Revilla at ang inyong lingkod Mayor Denver Chua,” pahayag ng alkalde sa kaniyang Facebook post.

“Sumang-ayon rin ang kalangitan dahil pinagkaloob sa atin ang magandang panahon na kukumpleto sa masaya at matagumpay na kasalang bayan sa ating lungsod,” aniya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CAVITEX C5 link to be completed by Q4 2022

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), announced on Tuesday that it is planning to open in the fourth quarter of 2022 the expressway connecting CAVITEX to C5 Road in Taguig, which is now 20 percent complete.
Read More

Eleazar talks to Cavite PNP for his last command visit

Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guilermo Eleazar paid a command visit to the Cavite Police Provincial Office (PPO) at Camp Brig. Gen. Pantaleon Garcia in Imus City, November 4 to laud the provincial police for their efforts in upholding the PNP's policies.