13,000 study table ipinamahagi sa mga estudyante sa Kawit

Tinatayang nasa 13,000 na study table ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Kawit sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya noong Marso 10.

Magagamit na ng mga mag-aaral ang mga study table na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Kawit habang kasalukuyang umiiral pa rin ang distance learning sa mga paaralan.

Pinangunahan ni Mayor Angelo Aguinaldo ang pagbibigay ng mga naturang study table sa mga mag-aaral kasama ang Team Puso at Malasakit.

Magagamit ang mga naturang study table ng mga libu-libong estudyante sa bayan na kasalukuyang sumasailalim sa distance learning setup.

“Bagaman nalalapit na po ang pagsasagawa natin ng face-to-face classes dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, at pagluwag ng mga restriction, mayroon pa rin pong mga kabataang Kawiteño na nasa distance learning setup, at makatutulong po ang study table na ito para sa kanilang pag-aaral,” ayon kay Mayor Aguinaldo sa kanyang Facebook post.

Samantala, naghahanda na rin ang ilang paaralan sa bayan sa paglulunsad ng face-to-face classes para sa ilang mag-aaral na lalahok dito.

Ipinamahagi ng Team Puso at Malasakit ang 13,000 study table sa mga paaralan. Photo courtesy of Mayor Angelo Aguinaldo.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

DOH, suportado ang 30 KPH speed limit sa mga lungsod para iwas aksidente

Suportado ng DOH ang pagpapatupad ng 30 kph speed limit sa mga urban road upang mabawasan ang aksidente sa kalsada, na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino. Binanggit ni Secretary Teodoro Herbosa na epektibo ito sa ibang bansa at sa Commonwealth Avenue, at iginiit na 70% ng aksidente ay sangkot ang motorsiklo. Ang aksidente sa kalsada ay ikalima na sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.