15,000 nabakunahan na sa Imus

Tinatayang nasa 15,045 na ang kabuuang bilang ng nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Imus, base sa kanilang datos noong Mayo 7.

Tinatayang nasa 15,045 na ang kabuuang bilang ng nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Imus, base sa kanilang datos noong Mayo 7.

Photo from Mayor Emmanuel Maliksi Facebook post

Nasa 4,768 frontliners at healthcare workers ang nabakunahan na kabilang sa priority group A1; 4,799 naman sa mga senior citizens o priority group A2; at 5,478 katao ang nabakunahan na kabilang sa persons with comorbidity o priority group A3.

Ayon kay Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, “Naipakita nating tayo’y handa sa malawakang rollout, kaya’t patuloy tayong makikipagtulungan sa national government para sa tuloy-tuloy na pagdating ng supply ng COVID-19 vaccines sa Imus.”

Matatandaang, naglaan ng iba’t ibang sistema ang naturang lungsod para sa malawakang pagbabakuna gaya na lamang ng mga fixed vaccination site, drive-thru, at house-to-house vaccination. 

Samantala, nagamit na ng naturang lungsod ang lahat ng suplay ng bakuna at nakaantabay ito sa muling pagdating ng mga bakuna mula sa national government. 

“Walang pagbabago sa schedule ng tatanggap ng second dose ng Sinovac. Para sa second dose ng AstraZeneca, hintayin lamang ang aming anunsyo,” ani Maliksi.

Photo by Macau Photo Agency on Unsplash

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PNP, POGO operators, DOLE, Cavite LGUs sign MOU to protect POGO workers

The Philippine National Police (PNP), the Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine offshore gaming operators (POGO) companies, and local government units of Bacoor City, Kawit and Carmona have joined forces to strengthen law enforcement operations and address incidents involving these gambling firms in the province.