Inaasahan na dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo.
Ang unang bagyo, ayon sa PAGASA, ay inaasahang papasok sa Philippine landmass bago lumayo sa ating bansa.
Samantala, ang ikalawang bagyo ay maaaring mabuo sa silangang bahagi ng Mindanao na posibleng daanan ang Eastern Visayas, Bicol, MIMAROPA, at CALABARZON bago lumabas malapit sa West Philippine Sea.
Nitong Abril 28, naitala sa Iba, Zambales ang mataas na heat index na umabot sa 53 degree Celsius.
Thumbnail photo courtesy of PAGASA