Siklista naputulan ng kamay sa karambola ng sasakyan sa Noveleta, Cavite

Naputulan ng kamay ang isang siklista matapos masangkot sa karambola ng limang sasakyan sa Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite noong Disyembre 10, bandang alas-8:30 ng umaga.

Naputulan ng kamay ang isang siklista matapos masangkot sa karambola ng limang sasakyan sa Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite noong Disyembre 10, bandang alas-8:30 ng umaga.

Ayon sa ulat, nawalan ng preno ang isang baby bus na naging sanhi ng pagkakabangga nito sa isang pampasaherong bus, bisikleta, at dalawang nakaparadang tricycle.

Kinilala ang biktima na si Gerard Giron, residente ng Brgy. Ligtong-I, Rosario, Cavite, na agad isinugod sa Saint Martin Hospital sa Noveleta para sa agarang lunas. Kasama rin sa mga nasugatan ang dalawang tricycle driver at isang pampasaherong bus commuter, na dinala rin sa ospital.

Ayon sa pulisya, mahaharap ang driver ng baby bus sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injury and Multiple Damage to Property. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang iba pang detalye sa pangyayari.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang nagmamaneho

Sinuspinde ng LTO ang lisensya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport dahil sa paglalaro ng online gambling habang nagmamaneho, na ikinapahamak ng mga pasahero. Pinatawan siya ng 90-araw na suspensiyon at nahaharap sa kasong reckless at distracted driving. Inatasan din ang bus company na magpaliwanag, habang isinusulong ang mga panukalang batas laban sa online gambling.