Month: September 2025

6 posts
Read More

Cenomar at Cenodeath certificate maari nang iview online

Inilunsad ng PSA ang online viewing service para sa birth, marriage, death, CENOMAR, at CENODEATH certificates. Kailangang mag-apply sa PSA Serbilis at magbayad sa CRS outlet (P130-P185). Viewing copy lang ang makikita online, at ang printed copy ay maaaring ipa-deliver o kunin sa pamamagitan ng DocPrint service. Inaasahang mapapabilis nito ang transaksyon ng publiko, lalo na ng mga estudyante.
Read More

CVSU-Cavite City isinusulong ni Cong. Jolo Revilla na maging regular campus

Isinusulong ni Cavite Rep. Jolo Revilla ang House Bill No. 1328 na gawing regular campus ang CvSU-Cavite City. Iginiit niya na ang pagbabago ay magbibigay-daan para sa mas malaking pondo at mapabuti ang pasilidad at akademikong programa ng unibersidad para sa mahigit 3,000 mag-aaral. Binigyang-diin ni Revilla na ang de-kalidad na edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino.
Read More

Rep. Jolo Revilla nanawagan ng agarang pagpasa ng mga panukala laban sa kawalan ng trabaho 

Nanawagan si Cavite Rep. Jolo Revilla sa Kongreso na apurahin ang mga panukalang batas para sa trabaho dahil sa 2.27 milyong unemployed Filipinos noong Hulyo. Kabilang sa kanyang isinusulong ang HB 2985, na magpapapermanente sa TUPAD Program ng DOLE, at ang HB 481 o ang Barangay Skilled Workers Registry, na lilikha ng database para sa mas mabilis na job matching.