Babaeng wanted sa estafa at pagpapalsipika ng dokumento arestado sa Kawit, Cavite

Inaresto ng PNP-HPG ang isang babae na wanted sa kasong estafa at falsification of public documents simula 2018. Sangkot ang suspek sa pamemeke ng rehistro at pagbebenta ng mga nakaw na sasakyan sa murang halaga, kaya naniniwala ang pulisya na may kasabwat ito. Nasa kustodiya na ng PNP-HPG ang suspek at patuloy ang imbestigasyon.

Arestado ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang babae na wanted simula pa noong 2018 dahil sa kasong estafa at falsification of public documents.

Ayon kay Police Lieutenant Nadame Malang, tagapagsalita ng PNP-HPG, sangkot ang akusado sa pamemeke ng rehistro ng sasakyan at pagpapalabas ng pekeng dokumento na ibinibigay kasama ng mga kotse.

Lumalabas din sa imbestigasyon na tumatanggap siya ng mga nakaw na sasakyan, pinapalsipika ang mga dokumento, at agad itong ibinebenta sa presyong mas mababa kaysa sa karaniwang halaga. Dahil dito, naniniwala ang mga awtoridad na may kasabwat ang suspek sa mas malawak na operasyon.

“Naniniwala kami na hindi niya kayang gawin nang mag-isa lang. Kailangan i-check natin kung kanino natin isinasanla ang ating mga sasakyan,” pahayag ni Malang.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP-HPG ang babae at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang kasangkot. Tumanggi muna itong magbigay ng pahayag hinggil sa mga akusasyon.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

SEC, sinusuri ang trilyong piso halaga ng Villar Land

Nagsimula ang SEC ng imbestigasyon sa Villar Land Holdings Corp. matapos itong umabot sa P1 trilyon ang halaga. Siniyasat ng ahensiya ang mga transaksyon ng kumpanya para matiyak na walang insider trading, market manipulation, o anumang iregularidad. Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, layunin ng hakbang na mapanatili ang integridad ng pamumuhunan at tiwala ng publiko.