3 big-time pushers arestado sa Dasmariñas

Tatlong big-time na tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado, Pebrero 22, kung saan nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu.

Tatlong big-time na tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado, Pebrero 22, kung saan nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu.

Unang nahuli ng Drug Enforcement Team ng Cavite Police sa Barangay Salitran 2 ang isang high-value target na si alias “Shakes,” 31, residente ng Bacoor City. Nakuha sa kanya ang 449.18 gramo ng shabu at 16 sachet ng hybrid marijuana/kush na nakalagay sa 37 maliit na kahon.

Pinuri ni Regional Director BGen. Paul Kenneth Lucas ang mga operatiba sa kanilang pagkaka-aresto sa nasabing mga pusher. 

“These successful operations prove our firm commitment to combat illegal drugs,” saad ni Lucas sa isang interview. 

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

“We will not stop until we rid our communities of these threats and bring these individuals to justice, PRO-Calabarzon stands firm in protecting our people and ensuring a safer future for all,” dagdag pa ni Lucas.

Total
0
Shares
Related Posts