5 bangka huli sa ilegal na pangingisda sa Ternate

Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang limang maliliit na bangkang ilegal na nanghuhuli ng isda sa katubigan ng Kayokno at Paniman sa Ternate, Cavite noong Agosto 20 ng gabi.

Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang limang maliliit na bangkang ilegal na nanghuhuli ng isda sa katubigan ng Kayokno at Paniman sa Ternate, Cavite noong Agosto 20 ng gabi. 

Lulan ng mga bangkang ito ang 31 kataong lumabag sa Municipal Ordinance 2, Series of 2011 na pumalaot ng walang lisensya at mangisda gamit ang air compressors. 

Noon pa man, mahigpit nang ipinagbabawal ang paggamit ng air compressor dahil sa malaking kasiraan nito sa coral reefs na pinaninirahan ng maliliit na isda. 

Kinumpiska naman ng PCG Cavite ang mga fishing gears maging ang mga kagamitan sa pangingisda. 

Photo courtesy of Philippine Coast Guard Facebook Page

“[These gears were] properly accounted for pending filing of appropriate charges,” ani ng PCG sa kanilang Facebook post. 

Samantala, patuloy pa rin ang pagbabantay ng PCG Station Cavite katuwang ang Coast Guard Intelligence Unit Cavite maging Coast Guard Sub-Station Ternate at Maragondon sa pagpapatrol upang sugpuin ang ilegal na pangingisda sa karagatan ng Cavite. 

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaking may multiple cases ng kahalayan na wanted sa Cavite, arestado sa Pasay

Inaresto ng Pasay City Police ang isang lalaking wanted sa Cavite dahil sa 14 na kaso ng acts of lasciviousness at paglabag sa Child Abuse Act na kinasasangkutan ng mga menor de edad. Nahuli ang suspek sa Pasay City sa bisa ng warrant of arrest mula sa Trece Martires City, Cavite, at dinala na sa Trece Martires City Police Station.
Read More

Corregidor tour via Cavite City Unlad pier, sinimulan na

Opisyal nang inilunsad ng Cavite City Tourism Office ang group tour sa Corregidor Island mula sa Unlad Pier, na inaasahang magpapalakas sa turismo at ekonomiya ng Cavite City. Pinangunahan ito nina Mayor Denver Chua, Cong. Jolo Revilla, at Vice Mayor Raleigh Rusit, na naniniwalang malaking hakbang ito para muling makilala ang lungsod bilang world-class destination.