Kawit Municipal Hall pansamantalang isasara

Pansamantalang isasara ng 10 araw ang Kawit Municipal Hall simula Agosto 17 hanggang Agosto 27 upang maiwasan ang outbreak ng COVID-19 sa mga empleyado nito.

Paalala po sa lahat, pansamantala po nating isasara ang Kawit Municipal Hall mula August 17 hanggang 27 upang maiwasan…

Posted by Angelo G. Aguinaldo on Monday, August 16, 2021

Ito ang inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kanyang Facebook post nitong Lunes.

“Isasailalim din po natin sa disinfection ang munisipyo para masiguro nating ito ay COVID-19-free,” dagdag pa ni Aguinaldo.

Pansamantala rin po munang ititigil ang PhilSys National ID application sa ating munisipyo kasabay ng ipatutupad nating…

Posted by Angelo G. Aguinaldo on Monday, August 16, 2021

Sinabi naman ng alkalde na mananatiling bukas ang mga opisina ng Treasurer’s Office, Assessor’s Office, Engineering Department, Zoning Department, Business Permit and Licensing Office at Local Civil Registrar simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

“Kailangan po natin itong gawin upang masigurong ligtas mula sa COVID-19 ang ating mga kasamang empleyado maging ang mga Kawiteñong pinagsisilbihan natin araw-araw. Sana po ay maintindihan ninyo, maraming salamat po.” 

Kaugnay nito, pansamantala ring ititigil sa kaparehong mga araw ang operasyon ng PhilSys National ID application.

“Humihingi po kami ng pang-unawa sa lahat ng mga National ID applicants, ang lockdown pong ito ay para sa kaligtasan ninyo at ng mga kasama nating lingkod bayan sa munisipyo,” aniya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

The state statistics bureau reported on February 7 that inflation increased in the previous month, which was unexpected as the government had predicted a slowdown. The increase was mainly due to higher costs for water, electricity, and housing rental rates, as well as the continued rise in the prices of food, vegetables, and non-alcoholic beverages.