Tanza kinilala bilang top performing municipality sa nat’l vaccination drive

Kinilala ng Department of Health (DOH), National Task Force on COVID-19, maging ng DILG ang lokal na pamahalaan ng Tanza bilang isa sa top performing municipalities sa isinagawang national vaccination drive ng DOH noong nakaraang linggo.

Kinilala ng Department of Health (DOH), National Task Force on COVID-19, maging ng DILG ang lokal na pamahalaan ng Tanza bilang isa sa top performing municipalities sa isinagawang national vaccination drive ng DOH noong nakaraang linggo. 

Pumangalawa ang Tanza bilang best municipality with highest cumulative jab rate matapos makapagbakuna ng 25,277 vaccines sa loob lamang ng tatlong araw. 

DOH, DILG, AND NTF RECOGNIZE TANZA'S OUTSTANDING PERFORMANCE IN ACHIEVING HIGHEST CUMULATIVE JAB RATE

GOOD NEWS! GINAWARAN NG PAGKILALA NG DEPARTMENT OF HEALTH, DILG AT NATIONAL TASKFORCE ON COVID-19 ANG LGU TANZA DAHIL SA OUTSTANDING PERFORMANCE NITO MATAPOS MAKAMIT ANG HIGHEST CUMULATIVE JAB RATE O PINAKAMARAMING NABAKUNAHAN SA 3-DAY VACCINATION DRIVE NG GOBYERNO. MISMONG SI HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III ANG NANGUNA SA AWARDING. PERONAL NAMANG TINANGGAP NI MAYOR YURI A. PACUMIO ANG PAGKILALA, KASAMA ANG MUNICIPAL HEALTH OFFICER NA SI DR. RUTH PUNZALAN. NANGUNA SA PINAKAMARAMING NATURUKAN NG COVID-19 VACCINES ANG BAYAN NG RODRIGUEZ SA RIZAL, IKALAWA ANG TANZA SA CAVITE AT IKATLO ANG BAYAN NG ARAYAT SA PAMPANGA. #BalitangTanzeño #BawalFakeNews

Posted by Balitang Tanzeño on Wednesday, December 8, 2021

Nanguna naman dito ang munisipalidad ng Arayat sa Pampanga at pumangatlo ang Rodriguez, Rizal. 

Nagkaroon din ng special recognition ang CALABARZON bilang region with most jabs kung saan umabot sa 1,147,392 na indibidwal ang nabakunahan sa nasabing vaccination drive. 

Malugod na tinanggap ni Tanza Mayor Yuri Pacumio ang pagkilala kasama ang Municipal Health Officer na si Dr. Ruth Punzalan. 

Photo courtesy by Mayor Yuri Pacumio Facebook Page

“Hindi pa po tapos ang laban sa COVID-19. Patuloy po tayong mag-iingat at magpabakuna para maabot na natin ang herd immunity,” wika ng alkalde sa kaniyang Facebook post. 

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa bayan ng Tanza. 

Bukod sa first at second doses, nagtuturok na rin ang RHU ng booster shots para sa A1 hanggang A3 priority groups. Tumatanggap din sila ng walk-in vaccinees. 

PABATID. TULUY-TULOY PA RIN ANG COVID-19 VACCINATION SA TANZA. FCES – ADULT SAS SENIOR HIGHSCHOOL – PEDIA (12-17 YEARS…

Posted by Balitang Tanzeño on Wednesday, December 8, 2021
Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.
Read More

Alfonso LGU to start social housing project

The local government of Alfonso has signed a partnership agreement with the Social Housing Finance Corporation (SHFC) for its community mortgage program to assist its citizens to purchase and develop a tract of land under the concept of community ownership.