Ilang lugar sa NCR, Cavite makararanas ng water interruption

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang residente ng Metro Manila at Cavite bunsod ng pagpapatupad ng water service interruption ng Maynilad.

Makararanas ng water service interruption ang ilang lugar sa Cavite at Metro Manila simula Disyembre 7 hanggang 22.

“Dahil sa pagtaas ng turbidity level sa raw water ng Laguna Lake dala ng hanging Amihan, kinakailangan namin magbawas ng water production upang masiguro na maayos pa rin ang kalidad ng tubig na matatanggap ng aming mga customer,” ayon sa Maynilad.

Dagdag pa ng Maynilad, “Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply sa kanilang lugar. Mayroong water tankers ang Maynilad na nakaantabay at handang magdala ng malinis na tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.”

Nagbigay ng abiso ang Maynilad Water Services, Inc. na maaaring mawalan ng suplay ng tubig ang mga kostumer nito simula alas-4 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi sa mga sumusunod na lugar:

  • Molino II
  • Molino III
  • Molino VII
  • Queens Row Central
  • Queens Row East
  • Queens Row West
  • San Nicolas III

Las Piñas

  • Almanza Uno
  • Pilar
  • Talon Singko

Makararanas din ng water interruption ang mga kostumer nito simula alas-12 ng tanghali hanggang alas-12 ng hating gabi ang mga sumusunod na lugar:

Bacoor, Cavite

  • Molino III
  • Molino IV

Imus, Cavite

  • Pasong Buaya I
  • Pasong Buaya II

Suspendido rin ang water service simula alas-7 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga sa mga sumusunod na lugar:

Las Piñas

  • CAA
  • Manuyo Dos
  • Pamplona Uno
  • Pamplona Dos
  • Pamplona Tres
  • Pulanglupa Uno
  • Pulanglupa Dos
  • Talon Uno
  • Zapote

Magsisimula naman ng alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng hating-gabi mawalan ng suplay ng tubig ang mga residente sa mga sumusunod na lugar:

  • Alabang
  • Bayanan
  • Poblacion
  • Putatan
  • Tunasan

Nagbigay rin ng abiso ang Maynilad sa mga residente ng mga sumusunod na lugar simula alas-6 ng umaga hanggang ala-1 ng madaling araw:

  • BF Homes
  • Don Bosco
  • Marcelo Green
  • San Antonio
  • San Martin de Porres
Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite mayors, nanguna sa Abril 2025 Job Performance Rating ng ORPI

Batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI), nanguna si Mayor Randy Salamat ng Alfonso bilang top performing municipal mayor sa Cavite para sa Abril, na may 94% na rating. Sinundan siya ni Mayor Lawrence Arca ng Maragondon (92%) at Mayor Dino Chua ng Noveleta (91%). Ang survey ay sumukat sa kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng mga alkalde sa iba't ibang aspeto ng serbisyo.