Mga gimik sa Women’s Month bumida sa GMA Municipal Jail

Patuloy na ipinagdiriwang ang Women’s Month ngayong Marso sa buong bansa, maging sa loob ng General Mariano Alvarez Municipal Jail.

Patuloy na ipinagdiriwang ang Women’s Month ngayong Marso sa buong bansa, maging sa loob ng General Mariano Alvarez Municipal Jail.

Naghanda ng iba’t ibang aktibidad pangkasiyahan ang Bureau of Jail Management and Penology para sa mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL).

Nagkaroon ng trade fair kung saan naipakita ng mga PDL ang kanilang mga likhang-kamay sa komunidad.

"๐“๐ซ๐š๐๐ž ๐…๐š๐ข๐ซ ๐š๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐†๐Œ๐€ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ" In celebration of ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–๐™ฃ๐™ค ๐˜ผ๐™ก๐™ซ๐™–๐™ง๐™š๐™ฏ ๐™๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™–๐™ง๐™ฎ and…

Posted by Bjmp Gma Municipal Jail on Monday, March 14, 2022

Nagsagawa rin ng family planning at self-breast examination upang matulungang protektahan ang mga kababaihan bago at pagkatapos nilang manganak.

Photo courtesy by GMA Municipal Jail

Mayroon ding zumba sessions at mga aktibidad tulad ng โ€œPalaro para kay Juanaโ€ at โ€œJuana Show this Talentโ€ para sa mga temporary female residents.

Photo courtesy by GMA Municipal Jail

Para naman sa livelihood and skills training program, tinuruan din sila kung paano gumawa ng hopia bilang karagdagang pagkakakitaan sa loob at sa labas ng kulungan.

Photo courtesy by GMA Municipal Jail

Sa pamamagitan ng mga programang ito, nais umanong itaas ng pamunuan ng GMA Municipal Jail ang kumpiyansa ng mga babaeng PDL.

Nais umano nilang ipadama sa mga ito ang women empowerment sa kabila ng mga pagsubok na kanilang nararanasan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lolong ninakawan ang sarili, nahuli cam

Kasakote ngayon ang isang 62-anyos na lolo matapos mahuli sa CCTV at napag-alaman sa masusing imbestigasyon na siya mismo ang suspek na nagnakaw sa ini-report niyang pagnanakaw sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite.