Marcos bumalik sa Cavite para magpasalamat sa mga Kabitenyo

Bumalik ng Cavite si President-elect Ferdinand Marcos Jr. para magpasalamat sa mga Kabitenyong sumuporta sa kaniya noong Eleksyon 2022.

Bumalik ng Cavite si President-elect Ferdinand Marcos Jr. para magpasalamat sa mga Kabitenyong sumuporta sa kaniya noong Eleksyon 2022.

Photo courtesy by Ramon Bong Revilla, Jr. FB Page

Naging panauhing pandangal si Marcos sa 10th Cityhood Anniversary ng Bacoor noong Hunyo 23. Ito ang kauna-unahang out of town public appearance ni Marcos pagkatapos siyang i-proklama bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.

“Ako’y magpapasalamat sa inyong lahat, sa inyong tiga-Bacoor, sa lahat ng Caviteño at alam ko marami sa inyo ang tumulong sa amin dito sa nakaraang halalan,” ani Marcos.

“Lagi ko pong sinasabi, itong tagumpay ng tambalang Marcos at saka Duterte at lahat ng UniTeam ay hindi lang tagumpay ng mga kandidato. Ito ay tagumpay niyo rin dahil hindi po namin nagawa ito, at lalong-lalo na hindi po nangyari yung kalaki-laki na boto na nakuha namin, na 31 million para sa akin, 32 million para kay Inday Sara, kung hindi sa tulong ninyo, kung hindi sa inyong pagmamahal, kung hindi sa inyong suporta,” dagdag pa ni Marcos.

Nangako rin si Marcos na susuklian niya umano ang boto, suporta, at pagmamahal ng mga bumoto sa kaniya.

“Hindi po namin [kayo] bibiguin dahil lahat po ng aming gagawin ay para po pagandahin ulit ang buhay ng Pilipino,” dagdag pa niya.

Nakatanggap ng mahigit isang milyong boto si Marcos mula sa Cavite, ang balwarte ng kaniyang mga kakampi mula sa Revilla at Remulla clans.

Sinabi naman ni Bacoor City Mayor Lani Revilla na susuportahan niya ang susunod na pangulo sa desisyon nitong hawakan ang Department of Agriculture.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Online Renewal ng Driver’s license posible na

Inilunsad ng LTO ang Online Driver’s License Renewal System sa eGovPH app upang mapabilis at mapagaan ang pag-renew ng lisensya. Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, maiiwasan na ang personal na pagpunta sa LTO, at ang e-license na lalabas sa app ay may kaparehong bisa ng pisikal na card. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas episyenteng serbisyo ng gobyerno.