White Christmas tampok sa bayan ng Silang

Pwede nang ma-experience ng mga Caviteño ang White Christmas sa bayan ng Silang.

Sa mga naghahanap ng mapapasyalan ngayong Pasko, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Silang ang mga turista na magpunta sa kanilang White Christmas Village.

Photos courtesy of Office of the Mayor of Silang

“Hindi mo na kailangang magpunta sa mga oriental countries gaya ng Japan at South Korea para masubukan ang White Christmas. Kung hanap mo ang snow at malamig na pasko, punta ka lang dito sa Silang, Cavite,” ayon sa lokal na pamahalaan ng Silang.

Tampok sa kanilang Christmas Village ang artificial snow, live band, at Christmas bazaar na may samu’t saring pagkain at mga produktong itinitinda.

Anila, matatagpuan sa kanilang bagong munisipyo ang naturang pasyalan at wala itong entrance fee.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Online Renewal ng Driver’s license posible na

Inilunsad ng LTO ang Online Driver’s License Renewal System sa eGovPH app upang mapabilis at mapagaan ang pag-renew ng lisensya. Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, maiiwasan na ang personal na pagpunta sa LTO, at ang e-license na lalabas sa app ay may kaparehong bisa ng pisikal na card. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas episyenteng serbisyo ng gobyerno.