Mahigit 1K pamilya sa Cavite City, naapektuhan ng sunog

Tinatayang nasa 1,000 pamilya mula sa coastal area sa Cavite City ang naapektuhan ng sunog nitong Miyerkules ng hapon, Abril 26.

Tinatayang nasa 1,000 pamilya mula sa coastal area sa Cavite City ang naapektuhan ng sunog nitong Miyerkules ng hapon, Abril 26.

Halos lahat ng mga kabahayan sa Quadra, Barangay 22-A ay dikit-dikit at gawa umano sa light materials na sinabayan pa ng malakas na hangin kung kaya’t naging mabilis ang pagkalat ng apoy na nagsimula bandang ala-1:30 ng hapon.

Umabot sa three-alarm fire ang naturang sunog na idineklarang fire-out bandang ala-5 ng hapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) at city government.

Tumulong na rin sa pag-apula ng apoy ang Philippine Air Force at isinagawa ang helibucket operation.

Wala namang napabalitang namatay o lubhang nasugatan sa sunog ngunit may ilang mga bata at senior citizen ang nakatanggap ng medical support sa Ladislao Diwa Elementary School at St. Peregrine Chapel sa Sta. Cruz na nagsisilbing mga evacuation center.

Siniguro naman ni Cavite City Mayor Denver Chua na tutugunin ng lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga nasunugan.

Sa ngayon, patuloy pa ring tinutukoy ang pinagmulan ng sunog.

Thumbnail photo courtesy of Denver Chua/FB

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite mayors, nanguna sa Abril 2025 Job Performance Rating ng ORPI

Batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI), nanguna si Mayor Randy Salamat ng Alfonso bilang top performing municipal mayor sa Cavite para sa Abril, na may 94% na rating. Sinundan siya ni Mayor Lawrence Arca ng Maragondon (92%) at Mayor Dino Chua ng Noveleta (91%). Ang survey ay sumukat sa kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng mga alkalde sa iba't ibang aspeto ng serbisyo.