Mga alegasyong ‘plagiarized’ ang logo ng PAGCOR, kinondena

Kinondena ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga alegasyong kinopya lamang nila ang kanilang logo sa isang website.

Nanindigan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na hindi umano totoo ang mga alegasyong nag-aakusa sa kanila na kinuha nila ang ideya ng kanilang logo sa website na “Tripper.”

Statement ng PAGCOR kaugnay sa mga ibinabatong alegasyon sa kanilang bagong logo. Screenshot from PAGCOR’s website.

“The allegation made against PAGCOR is entirely false and driven by malicious intent. Throughout its operations, PAGCOR has consistently upheld the highest standards of integrity, transparency, and accountability. The agency remains dedicated to fostering a safe and thriving gaming industry in the country,” batay sa inilathalang pahayag ng PAGCOR.

Anila, iniimbestigahan na nila ang “malisyoso at walang basehan” na akusasyon.

“At the outset, the website is lacking showing of credibility and in fact, bears resemblance to a phishing site,” paliwanag pa ng ahensya.

Hinihikat ng PAGCOR ang publiko na maging mapanuri at upang makuha ang impormasyon na galing sa mga mapagkakatiwalaang pinanggalingan upang labanan ang pagkalat ng fake news at upang maprotektahan nila ang kanilang sarili laban sa mga scam.

“PAGCOR remains dedicated to responsible gaming, regulation of the Philippine gaming industry and nation building. The agency appreciates the public’s support and maintains its commitment to excellence,” dagdag pa ng PAGCOR.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…