Free anti-flu, anti-pneumonia vax, umarangkada sa Kawit

Libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccination, isinagawa para sa mga dialysis patients sa Kawit, Cavite.

Umarangkada ang libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccination ng Kawit Rural Health Unit para sa mga dialysis patients noong Enero 11.

Ayon kay Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, layunin ng programa na mas maging protektado ang mga dialysis patients laban sa trangkaso at pneumonia.

“Kaakibat ng kanilang dialysis, nauunawaan natin ang kanilang kalagayan lalo na at mas nanganganib ang kanilang immune system dahil sa kanilang sitwasyon,” aniya.

“Sa pamamagitan ng libreng anti-flu at pneumonia vaccine ay maipaparamdam natin sa kanila ang ating #AlagangAngeloAguinaldo upang mas maging protektado sila laban sa trangkaso at pneumonia,” dagdag pa ng akalde..

Pinasalamatan din ni Aguinaldo ang Kawit RHU para sa pangunguna sa inisiyatibo na ito para sa mga residente ng bayan na sumasailalim sa dialysis.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 kailangan para sa Cavite extension ayon sa DOTR

Ipinatutupad na ang taas-pasahe sa LRT-1 simula Abril 2, 2025, kung saan P20 na ang minimum at P55 ang maximum na pamasahe. Ayon sa DOTr at LRMC, kailangan ito para sa operasyon, pagpapatuloy ng Cavite extension, at pag-iwas sa inaasahang bilyon-bilyong pisong fare deficit. Tinututulan naman ito ng ilang commuter groups dahil dagdag-pasanin umano ito sa mga mananakay.