Modular Distance Learning, maaring ipatupad sa mga paaralan ngayong tag-init

Dahil sa matinding init na nararanasan, maaringsuspendihin ang face-to-face classes sa mga lugar nanakapagtala ng heat index na aabot sa 40 degrees celsius ayon sa Deparment of Education CALABARZON.

Batay sa DepEd Regional Memorandum No. 233 series of 2024, automatic na magpapatupad ng Modular Distance Learning (MDL) sa mga lugar na apektado ng extremely high temperature. 

Ayon rin sa tala ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), maaringumabot sa 40 degrees celsius ang damang init na pasok sacategoryang “extreme caution.”

Kapag umabot na sa ganitong heat index, posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure ng isang tao. 

Patuloy ding pinag-iingat ang publiko sa posibleng epekto ng init ng panahon kagaya ng heat stroke kaya inaabisuhan ang lahat na gumamit ng pamproteksyon kung lalabas ng bahay.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

SEC, sinusuri ang trilyong piso halaga ng Villar Land

Nagsimula ang SEC ng imbestigasyon sa Villar Land Holdings Corp. matapos itong umabot sa P1 trilyon ang halaga. Siniyasat ng ahensiya ang mga transaksyon ng kumpanya para matiyak na walang insider trading, market manipulation, o anumang iregularidad. Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, layunin ng hakbang na mapanatili ang integridad ng pamumuhunan at tiwala ng publiko.