Pride Month Celebration isinagawa sa Kawit

Upang gunitain ang Pride Month ay naglunsad ng pageant ang local na pamahalaan ng Kawit kung saan masaya itong dinaluhan ng mga miyembro ng LGBTIQA+ sa Aguinaldo Shrine noong Biyernes, Hunyo 28.

Nagpasiklaban ang mga kandidato at kandidata sa Rampa sa Kawit 2024 bilang paggunita sa Pride Month sa Aguinaldo Shrine noong Biyernes, Hunyo 28.

Tinanghal bilang kauna-unahang BahagHARI at SiREYNA sina Jewel Agustino at Lianne Trixie Garcia, at nakuha naman nila Emille Delos Reyes at Angel Sebastian ang 1st-runner up sa nasabing patimpalak.

Matatandaang tuwing buwan ng Hunyo ipinagdidiriwang ang kahusayan at kagitingan ng mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex, queer/questioning, asexual o mas kilala bilang LGBTIQA+.

“Maraming salamat sa lahat ng mga kababayan nating nagpakita ng suporta sa layunin nating iangat ang pagkakapantay-pantay sa ating bayan. Muli, taos pusong pagbati sa ating mga kababayang LGBTQIA+ at makakaasa kayo na kasama niyo kami sa patuloy na pangangalaga sa karapatan ng mga Kawiteño,” saad ni Mayor Angelo Aguinaldo sa kanyang Facebook post.

Bukod dito, nagsagawa rin ng libreng HIV screening at pamamahagi ng mga contraceptives at PrEP Pre-exposure Prophylaxis sa Freedom Park.   

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Dalawang arestado; P12-M halagang ipinagbabawal na vape nasamsam sa Cavite 

Inaresto ng CIDG ang dalawang indibidwal sa Barangay Molino 3 matapos makumpiska ang tinatayang P12 milyong halaga ng ipinagbabawal na vape products. Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, ang mga produkto ay may labag na flavors at naglalaman ng nakalalasong sangkap. Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa RA 11900, at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga ilegal na vape.