Marcos Jr. nanawagan sa mga alkalde na unahin ang serbisyo publiko bago ang halalan

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga alkalde na unahin ang paglilingkod sa publiko sa kabila ng papalapit na kampanya para sa 2025 midterm elections.

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga alkalde na unahin ang paglilingkod sa publiko sa kabila ng papalapit na kampanya para sa 2025 midterm elections.

“Isama natin ang mga pribadong sektor upang mapalawak ang serbisyong maibibigay natin sa taumbayan. Gamitin natin ito upang maipatupad ang mahahalagang proyekto sa bawat lokalidad, lalo na ang may kinalaman sa imprastruktura at digitalisasyon,” ayon sa Pangulo.

Sa pagtitipon ng League of Municipalities of the Philippines, binigyang-diin niya na sa kabila ng matinding labanan sa politika, dapat manatiling nakatuon ang mga alkalde sa kapakanan ng mamamayan. Hinimok din niya ang pagkakaisa matapos ang halalan para sa pagpapatuloy ng nation-building.

Pinayuhan din ng Pangulo ang mga alkalde na mamuhunan sa pangmatagalang imprastruktura na magpapakinabangan hindi lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin ng mga susunod na salinlahi.

Matatandaang magsisimula sa Marso 28, 2025 ang panahon ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon, kabilang ang mga kandidato sa House of Representatives, gobernador, at alkalde.

Photo 1-BBM/FB

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Crpyto King naaresto sa Noveleta Cavite

Naaresto sa Noveleta, Cavite ang isang 23-anyos na lalaki na tinaguriang "Crypto King" dahil sa pagkakasangkot sa isang multi-million-peso cryptocurrency scam. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), ang suspek ay dati nang naaresto noong 2023 dahil sa kasong estafa ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.