Barangay Captain patay matapos barilin sa kalye sa Maragondon

Pinatay ang isang barangay captain sa Barangay Bridge A, Maragondon, Cavite, ng mga armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Naganap ang insidente sa gitna ng isang proyekto sa paglilinis ng kalsada kamakailan.

Pinatay ang isang barangay captain sa Barangay Bridge A, Maragondon, Cavite, ng mga armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Naganap ang insidente sa gitna ng isang proyekto sa paglilinis ng kalsada kamakailan.

Ayon sa hepe ng pulisya ng Maragondon tumutulong umano ang biktima sa mga health worker ng barangay sa pagputol ng damo sa tabi ng kalsada nang biglang dumating ang dalawang lalaki sa motorsiklo at pinaputukan siya.

Dalawang lalaking suspek ang sumulpot na nakasakay sa Honda Click at sa hindi malamang dahilan ay biglang binaril ang biktima ng ilang beses bago agarang tumakas.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Tanagas, 53-anyos, isang retired provincial police officer at na tumatayong Kapitan ng nasabing barangay.

Agad na dinala ang biktima sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic, Cavite ngunit idineklara siyang dead on arrival sa ospital. Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naganap na krimentpara sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

41% ng mga Pilipino, Pabor sa Impeachment ni VP Sara Duterte

Patuloy na lumalakas ang kontrobersya na bumabalot kay Vice President Sara Duterte matapos ipakita ng pinakahuling SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang pumapabor sa kanyang impeachment. Pangunahing dahilan ng suporta sa impeachment ang umano’y kuwestiyonableng paggamit ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), ayon sa 46% ng mga respondent.